Palitan ng hugot lines ni Vice Ganda at UST volleyball athlete, ikinatuwa ng netizens; Comic icon Stan Lee, sinampahan ng kasong sexual misconduct

Viral ngayon ang palitan ng hugot lines ng komedyanteng si Vice Ganda at ng student-athlete mula sa Unibersidad ng Santo Tomas na si Wewe Medina.

Ang ilang netizens, kilig-overload sa pick-up lines ng dalawa na animo’y nagliligawan sa kanilang Twitter posts sa isa’t isa.

Bagamat hindi pa kumpirmado kung ano ang real score sa pagitan nila, ang sigurado, feel-good vibes naman ang naihatid nila sa iba.

Sa ibang balita, sinampahan ng kasong sexual misconduct ng isang massage therapist ang Marvel icon na si Stan Lee.

Kuwento ng umano’y biktima na si Maria Carballo, sa kabila ng mga babala kay Lee, paulit-ulit umano ang pag-ungol nito habang minamasahe niya at nagawa pang hawakan ang kaniyang paa para idikit sa ari nito.

Mariin namang itinanggi ng kampo ni Lee ang naturang paratang at iginiit na inosente at harmless nang maituturing ang 95-year old comic legend. | via Eunice Garcia-Langcauon