Palasyo, walang nakikitang masama sa hakbang ng COA kaugnay ng pagtawag pansin sa COVID response ng DOH

Trabaho lang, walang personalan.

Ganito tinitingnan ng Malacañan ang ginawang pagpuna ng Commission on Audit na may kaugnayan sa ginawang paggastos ng Department of Health na may kinalaman sa COVID response nuong isang taon.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, isang constitutional body ang COA na ang trabaho talaga ay bantayan ang kaban ng bayan.

Hindi aniya maituturing na isang paratang kung anoman ang inilabas ng COA hindi kagaya ng ilang mga pulitiko.

Ang importante sa ngayon sabi ni Roque ay masagot ang napuna ng COA habang pati si Pangulong Duterte aniya ay naghihintay din sa kalalabasan ng magiging findings ng Audit Commission.

Ilan sa mga dapat maipaliwanag ng Health Department ay ang umano’y  
unutilized funds, deficiencies sa procurement at hindi otorisadong pagbibigay ng

  • pagkuha ng yellow vaccination card na maaaring magamit ng mga OFW pabalik sa kani- kanilang mga bansang pinagta- trabahuhan, mabilis lang na makukuha pagtiyak ng National Task Force against COVID-19

Mabilis lang at makukuha sa loob ng isang araw ang tinatawag na yellow card na magagamit ng mga OFW at mga mag a-abroad na Pinoy na iniisyu ng Bureau of Quarantine.

Ito ang pagtiyak ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Vince Dizon sa gitna ng inaayos nang unified vaccination card para sa mga nakakumpleto na ng bakuna.

Ayon kay Dizon, hindi gayung katagal ang pagkuha ng WHO yellow card na iniisyu ng Bureau of Quarantine sabay pagbibigay linaw na interim o pansamantala lamang ito.

Libre aniya ito base sa kanyang pagkakaalam pero kung sakali man aniyang may bayad ito ay tiyak na itoy minimal lamang.

Matatandaang hindi kinilala ng pamahalaang Hongkong ang ipinakitang vaccination card ng mga OFW na inisyu ng iba’t ibang LGU na kanilang pinanggalingan.