Palasyo, wala pang kumpirmasyon sa pag-upo ni Senador Honasan sa DICT

Wala pang kumpirmasyon hanggang sa mga oras na ito ang Palasyo patungkol sa una ng napaulat na magiging bahagi na ng gabinete ng Administrasyon si Senador Gregorio Honasan.

Sabado nang inanunsiyo ni Senate President Tito Sotto sa isang radio interview, na si Honasan na ang mauupo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) kapalit ni Eliseo Rio Jr.

Wala namang kumpirmasyon ukol dito si Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bagama’t umugong na kamakailan na uupo nga sa nabanggit na cabinet post si Honasan.

Ang paglutang ng pangalan ni Honasan sa DICT ay nangyari kamakailan, kasabay ng ulat na si Representative Karlo Alexei Nograles ang ipapalit kay Secretary to the Cabinet Jun Evasco, na tatakbo sa Bohol bilang gobernador.

Batay sa naging pahayag ni Sotto, sa susunod na linggo na umano mauupo si Honasan sa DICT. | ulat ni Alvin Baltazar