Palasyo, wala pang katiyakan kung bubuksan ng Pangulo kay Chinese President Xi ang usapin sa Sibutu Strait

Hindi pa masabi ng MalacaƱang kung bubuksan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang magiging one-on-one meeting kay Chinese President Xi Jinping ang pinakabagong isyu sa pagitan ng Pilipinas at ng China.

Ito ay ang tungkol sa limang Chinese warship na namataang bumaybay sa Sibutu Strait nang walang anumang permiso sa ating pamahalaan, o diplomatic clearance.

Ayon kay Chief Presidential legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, call ni Pangulong Rodrigo Duterte kung isasama niya ito sa mga isyung kanyang ilalahad kay President Xi.

Dalawang Chinese naval vessels ang napaulat na dumaan sa Sibutu Strait noong nakaraang buwan, at tatlo ngayong Agosto.

Huling linggo ngayong buwan, inaasahang magaganap ang ika-limang pagkikita ng dalawang lider, kung saan, una ng inihayag ng Pangulong Duterte na dito niya igigiit ang pagkapanalo ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na pinagpasyahan ng Arbitral Court.

Bukod pa dito ang Reed Bank incident, kung saan, 22 Pinoy na mangingisda ang binangga ng umano’y isang Chinese vessel.