Palasyo, hindi pa alam kung sino ang itatalaga ng Pangulo bilang susunod na CJ

Wala pang maibigay ang MalacaƱang na maugong na pangalang posibleng hirangin ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang susunod na magiging Punong Mahistrado.

Sa gitna na rin ito, nang nalalapit na pagreretiro ni Supreme Court (SC) Chief Justice Lucas Bersamin sa darating na Oktubre 18.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, tanging ang Presidente lang ang nakakaalam kung sino ang ilalagay nito sa SC para maging successor ni CJ Bersamin.

Tanging ang Pangulo at wala ng iba pa ani Panelo, ang nakababatid kung sino ang kanyang ipupuwesto sa Kataas-taasang Hukuman, kasabay ng pagbibigay diin na wala itong pinangakuan na sinomang nominee para maging susunod na chief justice.

Limang most senior justices ang otomatikong nominado sa top SC post, na kinabibilangan nina Senior Associate Justice Marvic Leonen, Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Diosdado Peralta, Estela Perlas Bernabe, at Benjamin Caguioa.