Palasyo, wala ng nakikitang rason para ipursige pa ni Senator Antonio Trillanes ang hirit nitong imbestigahan si Pangulong Duterte tungkol sa umano’y tagong yaman nito

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, hindi niya alam kung ano pa ang maaaring ebidensiyang mai-presenta sa Mataas na Kapulungan gayung ang Ombudsman nga ay ibinasura na ang inihaing reklamo sa Pangulo.

Wala nang nakikitang dahilan ang Palasyo upang ipursige pa ang Senate investigation tungkol sa paratang ni Senador Antonio Trillanes na ill-gotten wealth ni Pangulong Rodrigo Duterte at ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, hindi niya alam kung ano pa ang maaaring ebidensiyang mai-presenta sa Mataas na Kapulungan gayung ang Ombudsman nga ay ibinasura na ang inihaing reklamo sa Pangulo.

Dagdag ni Roque na kung ang Ombudsman na may kakayahang magbukas ng bank accounts ay nagdeklara ng termination sa reklamong plunder laban sa Pangulo dahil sa kawalan ng sapat na pruweba, paano aniya ngayong maikakasa ng Senado ang pagsisiyasat na pinupursige ni Trillanes.

Paalala ng Palace Spokesman, Ombudsman ang nagbukas ng mga bank accounts ni dating Chief Justice Renato Corona noong panahon ng impeachment at maaari din sanang ginawa ito ng Ombudsman sa sitwasyon ni Pangulong Duterte na sa bandang huli’y nauwi din sa pagbasura sa reklamo.

Nitong nakaraang Pebrero a-singko inihain ni Trillanes ang Senate Resolution No. 602 na humihiling sa Senate Committee on Banks, Financial Institution, and Currencies na masiyasat ang umano’y paglabag ng Pangulo at ni Mayor Sarah sa Anti-Money Laundering Act. | via Alvin Baltazar