Palasyo, umapela sa mga kandidato na sumunod sa umiiral na election laws

Umapela ang Malacañang sa mga kandidato na sumunod sa itinatakda ng batas na may kaugnayan sa eleksyon.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na sana ay tumalima ang mga tumatakbo ngayong eleksyon sa ipinaiiral na election laws sa bansa.

Nais aniyang matiyak ng pamahalaan, na ang papalapit na halalan sa Mayo ay magiging isang malinis, may kredibilidad at isang honest election.

Kaugnay nito ay una nang nagpaalala ang Commission on Elections (COMELEC) na bawal na ipaskil ang mga election propaganda na nakakabit sa labas ng mga common poster area, mga nasa pampublikong lugar at ang mga nasa pribadong lugar na walang pahintulot ng may-ari ng lugar o espasyo.

Hindi rin maaaring kabitan ng campaign material ang mga tulay, public building, poste ng kuryen­te, mga puno, kable, eskuwelahan at iba pa. | ulat ni Alvin Baltazar