Palasyo, umaasang hindi maaapektuhan ang diplomatic relations ng Pilipinas at Kuwait sa gitna ng isyung kinakaharap ng dalawang bansa

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy pa rin ang konsultasyon sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano at ng Kuwaiti ambassador.

Tiwala ang MalacaƱang na hindi maaapektuhan ang relasyon ng Pilipinas at Kuwait sa gitna ng utos ng Pangulong Duterte na total ban sa pagpapadala ng mga OFW doon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, patuloy pa rin ang konsultasyon sa pagitan ni Foreign Affairs Secretary Alan Cayetano at ng Kuwaiti ambassador.

Sa ngayon ay ayaw na munang magkomento ni Roque sa ibang posibleng hakbang ng Pilipinas sakaling magkalamat ang diplomatic relations natin sa Kuwait.

Giit ni Roque, hintayin na lang muna ang magiging resulta ng bilateral meeting ni Secretary Cayetano sa Kuwaiti ambassador.

Matatandaang ang patuloy na pang-aabuso at pagkamatay ng mga kababayan nating domestic helper sa Kuwait ang nag-udyok sa Pangulong Duterte na magdeklara ng total deployment ban sa Kuwait.

Bagay na kinondena naman ni Kuwaiti Foreign Minister Sabah Khalid Al Sabah na nagsabing mas magpapalala lang ng sitwasyon ang utos na deployment ban ng Pangulo. | via Nimfa Mae Asuncion