Palasyo: Trillanes, illusionist kasunod ng umano’y bantang natatanggap mula sa kampo ni PRRD

Guni-guni lamang ni Senator Antonio Trillanes ang sinasabi nitong banta sa kanyang buhay.

Reaksyon ito ng Palasyo kasunod ng pahayag ni Trillanes na nakatatanggap ito ng banta na umano ay galing sa kampo ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ni hindi nga siya pinapansin ng Pangulo kaya’t paano mangyayaring nakatatanggap ito ng banta mula sa Presidente.

Isa aniyang illusionist si Trillanes kaya’t hindi na rin sila nagtataka kung bakit nagpalutang ng ganoong senaryo ang outgoing senator.

Lumutang ang umano’y banta sa gitna ng hiling ni Trillanes sa Commission on Elections (COMELEC) na siya’y mabigyan ng exemption sa umiiral ngayong gun ban.  | ulat ni Alvin Baltazar