Palasyo, tiwalang magagampanan ni Atty. Peloton ang kanyang papel sa COMELEC


Kinumpirma ng Palasyo ang nominasyon ni Atty. Michael Braganza Peloton, bilang Commissioner ng Commission on Elections (COMELEC).

Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment paper ni Peloton nitong September 17.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiwala sila na mapagsisilbihan nito ang COMELEC ng mayroong professionalism at integridad, sa pagsasagawa ng malinis, mapagkakatiwalaan, malaya, tapat, maayos, at modernized na eleksyon.

Nagpaabot rin ang kalihim ng pagbati at good luck wish kay Atty. Peloton, para sa kanyang bagong assignment.

Papalitan ni Atty. Peloton si Commissioner Luie Guia, na nagretiro noong February. Magsisilbi ito sa COMELEC hanggang sa February, 2027.