Palasyo, tiwalang hindi makakaapekto sa pagpasa ng 2021 national budget ang suspensyon ng sesyon ng Kamara

Tiwala ang Palasyo na hindi makakaapekto sa pagsasabatas ng 2021 national budgdet sa takdang panahong ang suspensyon ng sesyon sa mababang kapulungan ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, maaari namang magpatuloy ang budget deliberation ng mga senador lalo’t hindi naman required ang mga ito na hintaying maaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala.

“Because there is no requirement that the Senate must wait for the approval on third and final reading. It is enough that the budget originated from the House.” ayon kay Secretary Roque.

Matatandaan na suspendido ang sesyon ng Kamara hanggang ika-16 ng Nobyembre.

Pagbo-botohan ng mga Kongresista ang final approval sa 2021 national budget sa oras na magbalik sesyon na ito.

Makailang ulit na ring sinabi ng Palasyo na ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na gumamit ng reenacted budget para sa susunod na taon.