Palasyo, tiwala sa ikakasang imbestigasyon ng PNP sa pagpaslang kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote

Nagpahatid ng pakikiramay ang MalacaƱang sa buong pamilya ng napaslang na alkalde ng General Tinio, Nueva Ecija na si Mayor Ferdinand Bote.

Sa statement na nilabas ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, sinabi nitong kumpiyansa ang Palasyo na magkakaroon ang pambansang pulisya ng patas at malalim na imbestigasyon sa insidente upang mapapanagot ang mga may sala.

Tiniyak rin ni Roque, na gagawin ng gobyerno ang lahat para maimbestigahan ang kasong ito at tutuparin nito ang tungkuling ng estado para sa bawat murder case sa bansa.

Ngayong hapon, inambush si Mayor Bote sa Cabanatuan City habang sakay ng kanyang sasakyan. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion