Palasyo, susubukang maselyuhan ang joint exploration sa China sa susunod na buwan

Nobyembre ang target ng Malaca├▒ang upang maplantsa ang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at China para sa isang joint exploration sa West Philippine Sea.

Sa harap na rin ito ng pag-amin ng Palasyo na joint exploration lamang ang nakikita nilang remedyo upang maputol na ang pagiging dependent, at mahinto na ang pag-aangkat ng Pilipinas ng langis sa ibang bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sisikapin ng pamahalaan na sa pagdating sa bansa ni Chinese President Xi Jin Ping sa susunod na buwan, ay makakalagda ito para sa joint exploration na pinakamabisang paraan upang labanan ang tila walang katapusang oil price hike.

Pagtiyak ni Roque, gagawin ng gobyerno ang lahat ng kaparaanan upang matuloy ang joint exploration na siyang magbibigay sa bansa ng kailangang natural gas at langis sa gitna ng inaasam na energy security.

Aminado si Roque na sa ngayon, wala talagang magagawa ang pamahalaan sa tuloy-tuloy na pagtaas sa presyo ng langis bunsod ng pagsipa sa halaga nito sa pandaigdigang pamilihan. | ulat ni Alvin Baltazar