Palasyo, siniguro na umuusad ang mga hakbangin ng gobyerno para tugunan ang rice crisis sa Zamboanga

Siniguro ng Malacañang na may mga hakbanging ginagawa ang gobyerno tungkol sa umano’y krisis sa bigas sa Zamboanga.

Sa press briefing sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kumikilos na ang National Food Authority (NFA) upang tugunan ang problema sa suplay ng bigas sa nabanggit na lugar.

Ayon kay Roque, isa na dito ang pagtatag ng Bigasang Bayan sa Zamboanga at ibaba ang presyo ng nasabing commodity doon.

Pero ayon kay Roque, ang buhusan ng suplay ng bigas ang lugar ang pinaka-nakikita nilang solusyon upang mawakasan ang krisis na dinaraanan ng mga taga-Zamboanga.

Sa huling ulat, nagsisimula na umano ngayong dumagsa ang bigas sa lugar matapos aprubahan ng konseho na isailalim sa State of Calamity ang Zamboanga City.  | ulat ni Alvin Baltazar