Palasyo sa kandidatura ni Agot Isidro sa ilalim ng LP: Goodluck!

Good luck sa kanila!

Ito ang matipid na pahayag ng Palasyo matapos mahingan ng reaksiyon patungkol sa binubuong senatorial lineup ng Partido Liberal kung saan kasama ang aktres na si Agot Isidro.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, wala siyang impormasyon hinggil sa pagtakbo ni Isidro pero gayunpaman, good luck na lang daw sa kanila.

Isa lamang ang aktres sa lumulutang na pangalang isasabak ng Liberal Party sa 2019 midterm elections kasama ang iba pang mga kilalang kritiko ng administrasyon.

Sa kabilang dako’y hindi naman umano kinagat pa ni Mar Roxas ang alok ng mga kapartido nitong isali siya sa senatorial ticket para sa susunod na taong halalan. | via Alvin Baltazar