Bagamat hindi kasing bilis ng una ng plinano, nananatili ang kumpiyansa ng Malacañan na makakabawi ang ekonomiya ng bansa sa taong ito.
Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, tatlong bagay ang kanilang pinanghahawakan para sa pagbawi kahit paano.
Ito ay ang pagkontrol sa virus para makapagbukas na ang mga negosyo, paggamit ng fiscal at monetary policies na umaabot hanggang 2.7 trillion at ang pagpapabilis ng pagbabakuna.
Kaugnay nito’y hindi na naman kinontra pa ng Palasyo ang forecast ng World Bank na baka umabot lang sa 4.7 % ang gross domestic product ng Pilipinas.
Hiindi umano kasi inakalang mag-e-ECQ at MECQ ang pamahalaan sa ganitong kahabang panahon.