Palasyo pinayuhan si Sen. Poe na pumasok sa law school

Pinayuhan ng Palasyo si Senador Grace Poe na pumasok sa Law School matapos ang reaksiyon nito sa pag-revoke sa amnesty ni Sen. Antonio Trillanes.

Sinabi kasi ni Poe na dahil sa Proclamation 572 ay namemeligro ang amnestiyang iginawad sa iba pang indibidwal noong mga nakaraang administrasyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kailangan pumasok sa law school si Poe upang malaman niya na ang pagbibigay ng amnestiya ay isang uri ng kagandahang loob ng estado at ang kailangan lamang ng taong bibigyan ng amnesty ay sumunod sa mga requirements na hinihingi ng pamahalaan.

Muli naman idinipensa ni Roque kung bakit tila sini-single out lamang si Sen. Trillanes at hindi kasama ang iba mga Magdalo members na binawian ng amnestiya.

Paliwanag  ng kalihim na may basehan ang distinction sa senador kung ang pag-uusapan ang equal protection clause dahil si Trillanes ang tumayong lider ng grupo sa nabigong kudeta noong 2003 at 2007 laban sa administrasyong Arroyo.  | ulat ni Alvin Baltazar