Palasyo, paninindigan ang cash-based budget kaysa sa obligation-based budget

Hindi isusuko ng Palasyo ang cash-based budget, ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesperson Harry roque sa gitna ng pulong ngayon ng economic managers ng pamahalaan at ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Ayon kay Roque, mas maraming bentahe sa ilalim ng cash-based budget at akmang-akma sa isinusulong na kampanya ng pamahalaan kontra korapsiyon.

Paliwanag ni Roque, sa ganitong sistema ng pagpopondo mas mabilis ding matatapos ang mga proyekto at maiiwasan ang mga nakatiwangwang at nakatenggang government projects.

Iwas antala din aniya ang cash-based budget, bukod pa sa mawawala na din ang mga ghost projects, gayung tsaka pa lamang maglalabas ng kaukulang pondo para sa isang proyekto kapag naihanda na ang lahat ng kailangan gaya ng plano, budget allocation at iba pa. | ulat ni Alvin Baltazar