Palasyo, ‘no comment’ sa pag-aapruba ng Articles of Impeachment kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno

Dumistansiya ang MalacaƱang sa pagkaka-apruba ng Articles of Impeachment laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na nasa hurisdiksiyon na ng Kongreso ang impeachment ng punong mahistrado.

Pinagtibay na kasi ng House Committtee on Justice ang Articles of Impeachment sa botohang 33 na pabor at isa ang kumontra.

Idudulog na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang Committee Report ng Articles of Impeachment para pagbotohan at kung makakakuha ng 1/3 votes ito ay ipapadala na sa Senado na tatayong impeachment court.

Mangagailangan naman ng 2/3 votes o 16 na senador para ma-convict si Chief Justice Sereno. | via Jojo Ismael