Palasyo, no comment na sa mga pahayag ni Joma Sison

Magiging polisiya na ng Malacañang ang huwag na lang bigyang-pansin ang anumang pahayag na manggagaling kay Communist Party of the Philippines Founder Jose Maria Sison.

Sa pulong balitaan sa Palasyo, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na wala ng pakialam pa ang Palasyo sa anumang gustong sabihin ni Joma sa gobyerno.

Dagdag pa niya, wala ng relevance ang anumang sasabihin ni Sison kaya’t mas maiging dedmahin na lang ito ng Malacañang.

Magmula aniya ngayon, ‘no comment’ na sila sa anumang statement ni Joma gayung ang anumang bibitiwan nitong salita ay bahagi lang ng propaganda ng grupo ng komunista.

Wala na aniyang saysay ang anumang salitang mamumutawi sa lider ng CPP kaya’t ituturing nilang ‘irrelevant’ na ang anumang pahayag mula dito. | ulat ni Alvin Baltazar