Palasyo: Nasa DA ang desisyon sa hiling na i-lift ang ban sa pork products

Ipinauubaya na ng Palasyo sa Department Agriculture (DA) ang pagpapasya sa hiling ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na alisin na ang ban sa pork products.

Matatandaan kasi na kahapon, sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año, na dapat nang payagaan ng mga LGU ang distribusyon at pagbebenta ng processed pork products, upang maiwasan ang pagkakaroon ng problema sa trade and commerce sa Pilipinas.

Iginiit rin ni Secretary Año, na may mga hakbang naman kasing ginagawa ang pamahalaan upang ma-contain ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa bansa, at maaari namang payagan ang pagbebenta nito alinsunod sa mga itatakdang kondisyon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, si Agriculture Secretary William Dar ang dapat na magdesisyon dito, dahil teritoryo niya ang usaping ito.