Palasyo, naniniwalang di kuwalipikado sa GCTA Law si Ex-mayor Sanchez

Naniniwala ang Palasyo na hindi kuwalipikadong maging benepisyaryo ng Republic Act 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, maliwanag na nakasaad sa Good Conduct Time Allowance, na ang mga nahatulan ng hukuman na gumawa ng karumaldumal na krimen tulad ni Sanchez ay hindi maaaring makinabang sa nasabing batas.

Ayon kay Panelo, suportado ng Palasyo ang Department of Justice (DOJ) sa inilabas na direktiba, na dapat maging maingat ang Bureau of Corrections (BuCor) sa mga convicted criminal na isasailalim sa evaluation para makinabang sa batas na ito.

Inihayag ni Panelo, na handang sundin ng Executive Department ang batas kung sino ang kuwalipikado at hindi kuwalipikado dito.