Palasyo, nanawagan sa mga naghihintay ng state side vaccine na unahin ang buhay kaysa pairalin ang brand preference

Hindi pa rin sasapat ang mga tinaguriang state side vaccine para sa mga nagnanais na ito ang maiturok sa kanila para panlaban sa COVID-19.

Ito ang binitiwang mensahe ng Palasyo sa harap ng survey result na nagsasabing nangunguna sa preference ng mga Pinoy ang bakunang made in US.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ngayong naririyan ang mas nakakahawa at mas nakakamatay na mga new variants, mas mabuting isaprayoridad na muna ang buhay kaysa pairalin ang mas gustong brand.

Hindi naman din umano matatawaran ang bisa ng iba pang manufactured vaccine ng iba pang bansa gaya ng China ganundin ng mga gawang UK na mataas din ang preference base sa survey.

Oo nga’t nasa kasaysayan na nga ang mga Pilipino sa mga stateside pero mas makabubuti na sa panahong ito ay mas mangibabaw ang halaga sa buhay kaysa sa kung saang bansa galing o yari ang bakuna.