Palasyo, nagpaliwanag sa isyu ng pagiging adviser ng Chinese national na si Michael Yang sa gobyerno

Binigyang diin ng MalacaƱang na hindi empleyado ng Office of the President at walang anumang pwesto sa gobyerno si Micheal Yang.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, bahagi lang si Yang ng pool of advisers ni Pangulong Rodrigo Duterte at isang one peso a year consultant adviser sa ilalim ng umiiral na standard contract of service.

Dagdag pa ni Panelo, na bagama’t kinukonsulta si Yang ng Pangulo sa usapin sa ekonomiya, hindi naman ito maaaring maka-impluwensiya sa polisiya ng Presidente para sa bansa.

Ayon kay Panelo, tama ang Presidente ng sabihin nitong wala siyang ibinigay na appointment kay Yang bilang Presidential Adviser on Economic Affairs, gayung ito’y isang dayuhan, taliwas sa nais palabasin at interpretasyon ng mga kritiko.

Pero aminado ang Palasyo na malaki ang kumpiyansa nito kay Yang, dahil na rin sa kasanayan nito sa aspeto ng pagpapatakbo ng negosyo bilang isang Chinese na walang dudang kabisado at gamay ang kultura ng Chinese community.

Muling iginiit ng MalacaƱang, walang appointment si Yang at walang nilalagdaang appointment papers dito si Pangulong Duterte. | ulat ni Alvin Baltazar