Palasyo, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga nabiktima ng landslide sa Natonin, Mt. Province

Nagpahatid ng pakikiramay ang Malacañang sa naiwang pamilya ng mga nabiktima ng landslide sa Natonin, Mountain Province bunsod ng gumuhong gusali ng Department of Public Works and Highways (DPWH) doon.

Sa inilabas na pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, sinabi nitong nakikidalamhati ang Malacañang at ginagawa ng pamahalaan ang lahat upang mahanap pa ang ilang mga nakaligtas sa nangyaring pagguho.

Pinatitiyak din mismo ng Pangulong Duterte sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno, na maibibigay ang ayuda para sa mga naapektuhang pamilya at gawin sa lalong madaling panahon ang rehabilitasyon sa mga lugar na napinsala ng bagyo.

‘On top of the situation’ aniya ang Presidente at tiyak na bibisitahin ng Pangulo kasama ang kanyang mga gabinete ang mga naapektuhang lugar.

Dagdag pa nito, makakaasa ang publiko na gagawin ng pamahalaan ang lahat ngayong maraming mga pamilya ang nasa gipit na sitwasyon kasunod ng unos na tumama sa bansa.  | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy:  Maj. Ericson Bulosan, Chief PIO NOLCOM