Palasyo, naglabas ng paglilinaw sa naglabasang ulat tungkol sa bagong organizational set up ng NFA

Nagbigay ng paglilinaw si Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay ng naglabasang ulat hinggil sa National Food Authority (NFA) na naireport na isasailalim ito sa Department of Agriculture (DA).

Pagtutuwid ni Roque, ang nais ng Pangulong Rodrigo Duterte ay maisailalim ang NFA sa Office of the President.

Kabilang ang NFA sa ahensiya ng pamahalaan na ang pokus ay nasa food security at anti- poverty campaign na nasa ilalim ng superbisyon ng Office of the Cabinet Secretary.

Napag-usapan din kagabi sa pulong ani Roque ang pagsusupply ng 700,000 libong sako ng bigas ng mga traders para sa NFA stock na ibebenta ng P39 na piso kada kilo.

Bukod dito ay kinukonsidera din aniya ng Pangulo na gawing centralized ang importasyon ng bigas na pangangasiwaan ni Usec. Bernadette Romulo Puyat subject for review ng Executive Secretary. | via Alvin Baltazar