Palasyo, nag-alok na ng pabuya para sa ikadarakip ng suspek sa pagpaslang sa radio broadcaster na si Sestoso

Dalawang daang libong piso (P200,000) ang inialok na pabuya ng Palasyo sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na makakatulong sa pagkakaaresto ng suspek sa pagpatay kay Edmund Sestoso.

Ito ang inihayag ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na dumalaw sa burol ng pinaslang na radio broadcaster kagabi sa Dumaguete City.

Kinatawan ni Go si Pangulong Rodrigo Duterte na nagpaabot ng direktiba ng Chief Executive sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na gawin ang lahat para sa mabilis na pagkakaaresto ng mga nasa likod sa pagpatay kay Sestoso.

Bukod kay Go, kasama ng kalihim na dumalaw sa burol sina Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar at Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) Executive Director Joel Egco.

Dalawang daang piso (P200,000) din ang una ng inialok ng Provincial Government ng Negros Oriental at City Government ng Dumaguete. | via Alvin Baltazar