Palasyo, muling umapela sa publiko na piliin ng magpabakuna ngayon

Mistulang nakikipagkarera ang deskripsiyon ng MalacaƱan sa kasalukuyang sitwasyon lalo’t may iba’t ibang variants na ng COVID ang kinakaharap ng iba’t ibang mga bansa.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, nakikipag-unahan ang lahat sa mga umuusbong na variant.

Kaya ang mas maigi sabi ni Roque, mas mabuting huwag ng iantala pa ang pagpapabakuna para matiyak na hindi makalusot ang mas nakakahawa at nakamamatay na klase ng virus.

Inihayag ng tagapagsalita na kung nabibigyan ng proteksiyon ng bawat isa ang kanyang sarili ay nabibigyan din nito ng proteksiyon ang kanyang buong pamilya.

Dagdag ni Roque na bilang isang indibidwal na tinamaan ng COVID ay talagang napakahirap hindi lamang dahil sa iindahing sakit ng katawan kundi pati na rin dahil sa pagdating din ng kawalan ng pag-asa.