Palasyo, minaliit ang resistance coalition na binuo ng Partido Liberal

Minaliit ng MalacaƱang ang hakbang ng Liberal Party na bumuo ng isang “resistance” coalition.

Ayon kay Chief Presidential Legal Adviser Salvador Panelo, wala nang bago dito dahil dati na namang kinokontra ng Liberal ang administrasyon.

Pahayag pa ni Panelo, libre naman silang sumubok, mabigo at umulit dahil bukas naman ang administrasyon sa mga ganitong hakbang.

Nitong Lunes, inanunsyo ng LP ang pagbubuo nito ng sariling slate para sa 2019 Midterm Elections na tatawaging “The Resistance”. | via Nimfa Asuncion