Palasyo, lilinawin sa DBM ang paghuhugutan ng pondo para sa mga returning Overseas Filipinos na hindi miyembro ng OWWA

Makikipag-ugnayan ang Palasyo sa Budget Department upang madetermina kung saan maaaring hugutin ang quarantine hotel accomodation ng mga Overseas Filipinos na hindi miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration.

Kasunod ito ng naging pahayag nito lamang Lunes ni Pangulong Duterte na bahala na ang gobyernong bumalikat sa accomodation ng mga magbabalik bansa nating mga kababayan na hindi kasapi ng OWWA.

Sinabi ni Roque na mayroon pang 18 bilyong pisong pondo na hindi nagagamit sa Bayanihan 2 base na din sa pahayag ng Pangulo.

Ganunpaman, hindi aniya niya alam kung mayroong specific line-item budget na ang hindi pa nagugugol na halaga.

Aalamin na lang ani Roque niya kay DBM secretary Wendel Avisado kung saan pdeng kunin ang budget para sa mga magbabalik bayang otomatikong dapat mag-quarantine galing ng ibang bansa.