Palasyo, kinumpirmang tuloy ang protesta sa aniya’y unfair barter trade ng Chinese Coast Guard kontra sa Pinoy fishermen

Tuloy ang protesta ng pamahalaan kaugnay ng aniya’y unfair barter trade practice ng Chinese Coast Guard kontra sa mga mangingisdang Pinoy sa area ng Scarborough Shoal.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque  kasunod na rin ng pahayag mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte na barter at hindi outright seizure ang ginawa ng Chinese Coast Guard sa mga mangingisdang Pinoy.

Paliwanag ni Roque, hangga’t hindi nagkakasundo ang magkabilang partido sa halaga ng barter ay hindi ito maituturing na patas na palitan ng kalakal.

Hindi aniya katanggap-tanggap na ang mga Tsino lamang ang magsasabi kung magkanong halaga ang ibibigay sa mga isdang kinukuha sa mga Pilipino.

Una rito, sinabi ni Roque na fish thievery, pangingikil at pangongotong ang ginawa ng Chine Coast Guard nang kunin ang mga huling isda ng mga Pilipino kapalit ng noodles, sigarilyo at tubig. | ulat ni Alvin Baltazar