Palasyo, kinumpirma na ang pagbibitiw sa puwesto ni Sec. Wanda Teo bilang kalihim ng Tourism Department

Kinumpirma na ng Palasyo ang pagbibitiw ni Secretary Wanda Teo sa kanyang puwesto bilang kalihim ng Tourism Department.
 
Inanunsiyo ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ang nasabing development bago matapos ang regular press briefing sa Palasyo ng Malacañang.
 
Ang anunsiyo ay ginawa matapos na makakuha ng kumpirmasyon si Roque mula kay Executive Secretary Salvador Medialdea.
 
Hindi naman masabi ng tagapagsalita  kung ang pagbibitiw ay bunsod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na sinabihan umano nito si Teo na magbitiw na lang sa DOT na una nang napabalita.
 
Kaugnay nito’y sinabi ni Roque na hindi naman nila itinuturing na admission of guilt ang resignation ni Teo habang nagpaabot na ng pasasalamat ang Palasyo sa ginawang pagsiserbisyo nito sa Duterte administration. | via Alvin Baltazar