Palasyo, irerespeto ang desisyon ng SC sa electoral protest ni Marcos vs VP Robredo

Iginiit ng Palasyo na susundin nito ano man ang desisyon ng Presidential Electoral Tribunal (PET) sa electoral protest ni dating Senator Bongbong Marcos laban sa pagkapanalo ni Vice President Leni Robredo noong 2016 national election.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tatanggapin ng Malaca├▒ang ano man ang kalalabasan ng desisyon. Hindi aniya nakikialam ang Palasyo sa trabaho ng co-equal branch ng gobyerno.

Tulad ng Palasyo, dapat rin aniyang tanggapin ng lahat ng partido at publiko ang magiging desisyon ng PET.

Matatandaang ngayong hapon, inanunsyo ng Korte Suprema na binibigyan ng 20 araw ang kampo ni Marcos at Robredo upang magkomento kaugnay sa committee report ng recount results mula sa tatlong pilot provinces, at sa mosyon ni Marcos na i-nullify ang mga resultang ito.