Palasyo, inanunsyo ang appointment ni Justice Lucas Bersamin bilang bagong Punong Mahistrado

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Bersamin bilang “the best and the brightest” ganundin naman si Rosmari Carandang na bagong Associate Justice ng Korte Suprema.

Tiwala ang Palasyo na mapananatili kapwa nina CJ Bersamin at Associate Justice Carandang ang judicial excellence, pagiging independent nito at pagiging matatag kontra sa mga tiwaling court personnel.

Si Bersamin ang pinaka-senior Justice sa Supreme Court kung pag-uusapan ay itinagal na serbisyo nito sa Judicial Branch sa ibat-ibang kapasidad.

Kabilang na dito ang 17 taong pagiging Presiding Judge ng Quezon City Regional Trial Court, higit anim na taong Associate Justice sa Court of Appeals at halos sampung taon na ika-163 mahistrado ng Katas-taasang Hukuman.

Sa kabilang dako’y, March 2003 pa nagsilbing Associate Justice of the Court of Appeals si Carandang at nagsilbi ring Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court.  | ulat ni Alvin Baltazar