Palasyo, iginiit na may mga hakbang na ginagawa sa isyu ng West Philippine Sea

Itinanggi ng Palasyo na walang ginagawang aksiyon ang pamahalaan sa usapin ng West Philippine Sea.

Reaksiyon ito sa inilabas na survey ng SWS na apat sa limang Pilipino ang nagnanais na makakita ng mas konkretong aksiyon mula sa gobyerno hinggil sa usapin ng territorial dispute.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, hindi lang maingay ang mga hakbang ng Duterte Administration patungkol sa isyu ng West Philippine Sea.

Binigyang-diin ni Roque na may agad na aksiyon ang pamahalaan sa tuwing may ginagawa ang Tsina lalo’t may paglabag at may kinalaman ito sa ating soberenya.

Pagtiyak ng Malacañang, hindi tumitigil ang gobyerno upang ipagtanggol ang interes ng Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte. | ulat ni Alvin Baltazar