Palasyo, iginiit ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas

Iginiit ng Malaca├▒ang ang pag-unlad sa ekonomiya ng bansa.

Ang paggiit ay ginawa sa gitna ng inilabas na pag-aaral ng Deutshe Bank na nagsasabing mababa ang kalidad ng buhay sa Pilipinas.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Spokesperson Salvador Panelo, umaangat naman ang ekonomiya ng Pilipinas, at kasunod aniya nito ay ang pagganda na ng kalidad ng buhay sa bansa.

Ang reaksiyon ay ginawa ni Panelo, kasunod ng lumabas na pag-aaral kung saan, ay nakahanay ang Manila sa Lagos ng Nigeria at Beijing ng China, bilang 3 cities na may pinakamababang kalidad ng buhay.

Ilan sa mga indicator na ginamit para mapasama ang Manila sa mga siyudad na mayroong pinakamababa ang kalidad ng buhay ay ang traffic commute time, polusyon, purchasing power at health care.

Pinakamataas naman ang quality of life sa mga siyudad ng Zurich sa Switzerland, Wellington sa New Zealand, at Copenhagen sa Denmark.