Palasyo, hindi apektado kung dumalo man o hindi si dating Pangulong Aquino sa SONA ni Pangulong Duterte

Nasa pagpapasya na ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung dadalo ito sa nakatakdang ikatlong  State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa susunod na Lunes, Hulyo 23.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng napaulat na hindi ulit sisipot ang dating presidente sa darating na SONA gaya ng ginawa nito noong nakaraang taon.

Ayon kay Roque,  desisyon na ni Aquino kung pupunta ba ito sa nalalapit na okasyon o hindi.

Hindi naman aniya nila maaaring panghimasukan ang pasya nito at wala silang pakialam kung pumunta man o hindi ang dating pangulo sa nakatakdang pag-uulat sa bayan ni Pangulong Duterte.

Pero batay sa ilang mga naglabasang ulat, nakatanggap na umano ng non-confirmation attendance ang SONA committee on invitations mula sa dating chief executive. | ulat ni Alvin Baltazar