Palasyo, gagalangin ang magiging pasiya sa petisyon ni Trillanes ukol sa Proclamation 572 – SAP Go

Tiniyak ng Palasyo na igagalang nito ang anumang magiging kapasiyahan ng Korte Suprema kaugnay ng inihaing petisyon ni Sen. Antonio Trillanes upang ibasura ang Proclamation 572.

Ayon kay Special Assistant to the President Christopher Lawrence “Bong” Go, anuman ang maging kahinatnan ng temporary restraining order at writ of preliminary injunction na idinulog ni Trillanes sa Kataas-taasang Hukuman ay kanilang tatanggapin.

Sinabi ni Go, na ito ay nasa hurisdiksiyon na ng Supreme Court at nasa kanila na ngayon ang bola upang idetermina kung dapat bang ibasura o hindi ang Proclamation 572.

Samantala, sinabi ni SAP Go na palaisipan sa kanya kung bakit nananatili pa rin sa Senado si Trillanes gayung wala namang mandamyento de aresto para sa kanya.

Panawagan ni Go sa dating sundalong mutineer, lumabas na ng mataas na kapulungan at umuwi na sa kanyang bahay. | ulat ni Alvin Baltazar