Palasyo: Di dapat matanggal sa trabaho ang janitress na pumigil kay Gretchen Diez sa paggamit ng ladies restroom

Naniniwala ang Palasyo na ang insidenteng kinasangkutan ng isang janitress ng isang mall sa Quezon City at ng transwoman na si Gretchen Diez ay hindi dapat maging dahilan upang matanggal ito sa trabaho.

Matatandaan na pinigilan ng janitress si Diez, na gumamit ng ladies comfort room.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ay dahil humingi na ng tawad ang janitress, at inamin rin naman nito ang pagkakamaling nagawa.

Bukod dito, nagpahayag na rin daw ito na handa siyang pag-aralan ang karapatan ng mga miyembro ng LGBT Community.

Kaugnay nito, sinabi ng Palasyo na suportado ng Pangulo ang SOGIE bill, maging ang pagkakaroon ng 3rd restrooms para sa mga miyembro ng LGBT Community.