Palasyo, dedma sa planong Senate investigation ni Senador Trillanes sa Boracay closure

Pinagkibit-balikat lang ng Palasyo ang pahayag ni Senador Antonio Trillanes na maghahain siya ng resolusyon para maimbestigahan ng Senado ang pagpapasara ng Boracay Island.

Sa statement na pinadala ni Presidential Spokesperson Harry Roque, muli lang nitong giniit ang paninindigan ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipapasara ang Boracay at walang papayagang casino sa isla.

Bukod dito ay wala nang iba pang naging tugon ang tagapagsalita ng Palasyo.

Nagpahayag ng duda ang Senador sa intensyon ng gobyerno sa pagpapasara ng Boracay dahil una na aniyang nakipagkita sa Pangulo ang may-ari ng planong itayong casino-resort sa isla Disyembre ng nakaraang taon. | via Nimfa Mae Asuncion