Palasyo, buo ang suporta sa desisyon ng DOJ kaugnay sa mga tanggapan ng pamahalaan na unang iimbestigahan

Welcome sa Malacañang ang desisyon ng Department of Justice kaugnay sa paunang mga tanggapan ng pamahalaan na iimbestigahan nito laban sa korupsyon.

Matatandaan na inanunsyo ng DOJ na sisimulan nito ang imbestigasyon sa hanay ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), Land Registration Authority (LRA) at Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, buo ang suporta ng Palasyo sa desisyong ito ng DOJ lalo’t malawakan at systematic ang korupsyon sa mga nabanggit na tanggapan.

Sinabi ng kalihim na nagagalak sila dahil ang mga ito ang naunang pinili ng DOJ, lalo’t ang mga ahensyang ito aniya ang pinaka notorious pagdating sa korapsyon.

“Fully supported po natin iyan. Siguro naman ang rason ay obvious. Traditionally talagang malawakan at systemic ang korapsiyon sa mga ahensiyang ito at nagagalak naman kami na pinili ni Secretary Menard Guevarra itong pinaka-notorious sa korapsiyon para simulan ang imbestigasyon ng expanded task force on corruption.” pahayag ni Secretary Roque.