Palasyo, aminadong hindi sapat ang paglalabas ng isang Executive Order para matigil na ang kontraktwalisasyon sa bansa

Nagpaliwanag ang MalacaƱang sa tila pagkakatengga pa rin ng hinihintay na Executive Order (EO) kontra kontraktwalisasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra, hindi maibibigay ng ehekutibo ang hiling ng labor groups na total ban sa contractualization dahil kakailanganin nito ng aksyon mula sa lehislatura gaya ng pagre-repeal o pag-amyenda sa labor code.

Base kasi aniya sa umiiral na Labor Code ngayon sa bansa, pinapayagan pa rin ang kontraktwalisasyon sa ilang industriya.

Aminado rin ang MalacaƱang na halos walang magiging pagkakaiba ang ilalabas na EO ng Pangulo at ang una nang order na nilabas ng Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa pagpapatigil sa kontraktwalisasyon.

Ang tanging maidadagdag na tulong lang aniya sa ngayon ng Palasyo, bukod sa pagpapalabas ng Executive Order ay ang pagtutulak nito sa mga pinuno ng kongreso. | via Nimfa Mae Asuncion