Palasyo, aminadong kailangang magdoble-kayod para maipaunawa sa taumbayan ang isinusulong na pederalismo at Charter Change

Aminado ang Palasyo na marami pang dapat na gawin upang maipaunawa sa mga tao ang isyu sa Charter Change at pederalismo.

Ang pahayag ay ginawa ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kasunod ng kinalabasan ng Pulse Asia survey na mayorya ng mga Pilipino ang tutol sa pag-amiyenda ng 1987 Constitution at pagbabago ng sistema ng gobyerno sa pederalismo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, inaasahan nilang hindi nga makakakuha ng suporta mula sa taumbayan kung ang pag-uusapan ay ChaCha at pederalismo lalo’t lumalabas na 69 porsiyento ng mga respondent ay walang sapat na kaalaman tungkol dito.

Nangangahulugan lang ayon Roque na kailangan talagang magdoble-kayod ang gobyerno para maipaunawa sa publiko ang kahalagahan ng pederalismo.

Nasa kamay din naman aniya kasi ng mga Pilipino ang pag-aapruba sa mga isinusulong na pagbabago sa Charter kaya’t nangangailangan talagang magkaroon ng public awareness patungkol dito.  | ulat ni Alvin Baltazar