Palasyo, aminadong kailangan pang paigtingin ang kampanya kontra kriminalidad

Aminado ang Palasyo na kailangan pang paigtingin ang laban sa kriminalidad. Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque kaugnay ng naging pahayag kamakalawa ni Pangulong Rodrigo Duterte na magkakaroon ng radikal na pagbabago sa public order and security.

Ayon kay Roque, nanonood at nakikinig ang Presidente ng mga balita kaya batid nito ang mga nagaganap na karumaldumal na krimen.

Tanggap aniya ng Chief Executive na hindi pa sapat at kailangan pa talagang mas maging marubdob ang kampanya kontra krimen na halos ang karamihan ay may kaugnayan din sa iligal na droga.

Room for improvement naman ang turing ng MalacaƱang at hindi kabiguan sa naging pahayag ni Pangulong Duterte tungkol sa gagawing radikal na pagbabago laban sa mga kriminal na inaasahan sa mga susunod na araw. | ulat ni Alvin Baltazar