Pahayag ni Bucor Chief Bantag na kakatayin niya ang mga manunuhol sa kanya, political statement lang – Palasyo

Nilinaw ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi naman iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag na katayin ang sino mang magtatangkang manuhol sa kanya.

Matatandaang kasi na sa isang panayam, inihayag ni Bantag na kung sino man ang manunuhol sa kanya yan kakatayin niya ito.

Ayon kay Panelo, tulad ng palaging ginagawa ni Pangulong Duterte, maituturing na political  statement lamang ang pahayag na ito ni Bantag.

Sinabi ng kalihim, na nagbabala lamang si Bantag na hindi siya ang klase ng opisyal na nadadaan sa suhol.

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Duterte si Bantag sa BuCor kasunod ng pagsibak niya kay dating BuCor Chief Nicanor Faeldon, dahil sa isyu ng pagpapatupad ng GCTA law.