Pahayag ni Bishop Pabillo na fake news ang connivance theory sa ilang taga-simbahan at komunistang grupo, kinontra ng Presidential spokesperson

Hindi fake news at totoong may pakikipagsabwatan ang ilang alagad ng simbahan sa komunistang grupo na naglalayong pabagsakin ang liderato ng kasalukuyang administrasyon.

Ito ang pinanindigan ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kasunod ng hamon ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo na pangalanan ang mga sinasabing destabilizers mula sa Simbahang Katolika.

Ayon kay Roque, kasaysayan mismo ang magpapatunay sa kanyang pahayag tungkol sa pagkakasangkot ng ilang mga taga-simbahan sa Communist Party of the Philippines (CPP) sa ilalim ng Maoism.

Panawagan ni Roque, huwag magbulag-bulagan at huwag magkunwaring hindi alam kung paano gumalaw ang CPP-NPA.

Pagbibigay-diin ng tagapagsalita ng Palasyo, ang sa kanya lang naman ay pagbababala gayung papasukin at papasukin aniya ng komunistang grupo ang iba’t ibang mga institusyon upang magamit sa kanilang adhikain. | ulat ni Alvin Baltazar