Pahayag ng Pangulong Duterte tungkol sa mabagal na takbo ng ekonomiya, paraan lang para pakilusin ang mga ahensya ng gobyerno – Palasyo

Nagpaliwanag ang MalacaƱang tungkol sa naging pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na ‘doldrums’ o hindi gaanong umaandar ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, posibleng nakikita ng Presidente na mahina pa rin ang implementasyon ng ‘Build, Build, Build’ program ng administrasyon sa mga probinsya.

Paraan lang aniya ito ng Pangulo para pukpukin ang mga ahensya ng gobyerno lalo ang kanyang economic team para pabilisin at ayusin ang mga infrastructure project ng gobyerno.

Kasabay naman nito ay nanawagan rin si Roque sa taumbayan at Kongreso na suportahan ang isinusulong na pederalismo ng administrasyon upang tuluyan nang mabura ang bias laban sa mga probinsya pagdating sa pag-unlad. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion