Pahayag ng Pangulong Duterte hinggil sa arbitral ruling sa WPS, posibleng dahil sa pagkadismaya

Pagkadismaya at pagkainis sa sitwasyon ang nakikitang dahilan ni House Speaker Lord Allan Velasco kung bakit nasabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na papel lang na pwedeng itapon sa basurahan ang arbitral ruling sa West Philippine Sea na pabor sa Pilipinas.

Ayon sa mambabatas, bagamat hindi siya makapagsasalita para sa punong ehekutibo, posibleng nasabi ito ng Pangulo sa gitna ng pag-iisip nito ng husto na mabalanse ang diplomatic relations, national interest at economic recovery bunsod ng pandemya.

Sa kabila nito ay naniniwala naman ang Marinduque representative na walang dapat ipag-alala dahil malinaw sa speech ni Pangulong Duterte sa United Nations General Assembly na dinaluhan ng mga world leaders at heads of state na hindi isinusuko ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea.

 “I believe that PRRD’s sentiments about the matter were already made clear during his speech before the United Nations General Assembly, where his audience was composed of world leaders and Heads of State: the Philippines is not surrendering its sovereign rights over the West Philippine Sea.” saad ni Velasco.