Pahayag ng Pangulo ukol sa arbitral ruling, sinegundahan ni Lorenzana

Sinegundahan ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pahayag ng Pangulo, na walang international law enforcement body na magpapatupad ng pagkapanalo ng Pilipinas sa Permanent Court of Arbitration.

Gayunpaman, binigyang diin ni Lorenzana na patuloy na ipagtatanggol ng Pilipinas ang teritoryo nito.

Malinaw aniya ang direktiba ng Pangulo, na ipagtanggol ang ating legal na pag-aari na hindi makikipagdigmaan, at itaguyod ang kapayapaan sa karagatan.

Kaya aniya, hindi titigil ang ating Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, sa pagpatrolya sa West Philippine Sea at Kalayaan Group of Islands.

Sa arbitral ruling noong July 2016, kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa Exclusive Economic Zone nito sa West Philippine Sea, alinsunod sa international law.

Pero hindi kinilala ng China ang desisyon at patuloy ang pag-aangkin sa buong West Philippine Sea, base sa kanilang nine dash line historical claim.