Pahayag ng Pangulo na pagbenta ng properties ng PH sa Japan, suhestiyon pa lang — Palasyo


Nilinaw ng Palasyo na suhestiyon pa lamang ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbenta ng properties ng Pilipinas sa Japan, upang ipangtustos sa pondong kailangan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) para sa Universal Health Care (UHC) Law.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang sinasabi lamang ng Pangulo ay sagot nito ang kalusugan ng mga Pilipino.

Kung kulang aniya ang pondo ng PhilHealth, gagawa aniya ng paraan ang pamahalaan upang mapanindigan nito ang obligasyon sa taumbayan na protektahan ang kalusugan ng mga Pilipino.

Sinabi ng kalihim, na sakali mang kailanganin ng bansa na ibenta ang properties nito sa Japan, kailangan muna itong payagan hindi lamang ng Pangulo, kung hindi maging ng Kongreso, lalo at una nang dineklara ng Korte Suprema bilang bahagi ng national patrimony ng bansa ang mga ito.

“Ang sabi ng Korte Suprema, these properties constitute part of the national patrimony dahil nga dahil nga symbolic iyong pagbibigay ng dalawang property na iyan by way of war reparations. At kinakailangan kung ibibenta iyan, hindi lang Presidente ang sasang-ayon kung hindi pati po ang Kongreso.” —Secretary Roque.